Sunday, April 30, 2006

Long Weekend

Day 1: Saturday Mall Tour
Woke up late na basa ng pawis. Ang init! Pati boxers ko basa (not from wet dreams...). Kinuha ko yung isa pang electric fan and humiga sa kama, nanood ng video, nagpaka-bum sa kama. Typical weekend minus the heat stroke. I decided to go to the mall kasi dun malamig.

So lipad ako ng mall. OMG! Sale nga pala ngayon so ang daming tao. Punta ako sa favorite kong coffee shop at wala na akong maupuan. Pero wait, wala naman silang hawak na kape. Pagod silang mag window shopping. Kung di lang ako mabait that day eh pinalayas ko sila kasi wala akong maupuan. Di na ako nagkape... mukhang mas kailangan nila.

Tingin ng movie na papanoorin. Walang maganda. Next week pa MI3. So punta ng magazine stand. Walang magandang magazine. Tapos naisip ko, di ko naman babasahin yung magazine kung bibilhin ko. Kita ko si Jojo. Pucha, hinampas ako sa likod! Di pala hampas, suntok pala. Konting kamustahan tapos umalis na sya kasi may bibilhin pa daw siya. Bago siya umalis, binatukan ako. NAKAKADALAWA KA NA! Ayun pag-uwi sa bahay, nagka-pasa ako. Di man lang ako gumanti.

Sa gabi, ang init so nagbabad sa banyo at naligo. Kulang na lang ibanlaw ko yung mint mouthwash sa katawan ko sa init. Pagkatapos maligo, nood ng TV then tulog ulit with the boxers na basa from last night. Nakatulog ako ng mga 3am. Kailangan kong bumili ng sleeping pills.

Day 2: Syet malagket!
Woke-up around noon. Kumain, naligo, nanood ng video. Kumain ng bacon-cheeseburger and Egg-cheeseburger. Tinungga ang isang 1.5L na Sprite. Natulog. Nagising sa text ni Iam. Naligo, pumunta ng party, kumain. Umuwi, nanood ng TV at ngayon nag-blo-blog.

Etong typical weekend ko. Di sya exciting pero nakakapagpahinga ako. Might be an anti-social weekend pero okay lang naman. Nakaka-cancer ang palaging nasa gimmickan. Cancer sa lungs, cancer sa liver, cancer sa wallet. Bukas malamang ganito ulit. Siguro punta ako ng mall, manonood ng sine, bibili ng libro na di ko naman babasahin, magkakape, at hahanapin si Jojo sa mall para suntukin at batukan. Bili siguro ng clothes for summer. Ayan. Ganyan weekend ko. Typical. But not that boring. Pathetic ba? Ewan ko. Ayos lang. Steady lang.

PS. GAGO KA JOJO! May araw ka din sa akin!

No comments: