Tuesday, April 25, 2006

And So I Face The Final (?) Curtain

...i did it my way...

Tomorrow na yung result ng interview, kung sino makakakuha ng 6month job sa Arizona (pero sabi ni Raf hindi daw... ows?). Para kaming Final 4 ng Big Brother. Ako, si Jona, si Philip, si Migs. BUKAS NA!!!! Paksyet!

Anyway, WHAT-IF makuha ako.
  1. Ipasa kay Jason lahat ng trabaho sa site! Sorry Jason. Pero ganun talaga. Kaya mo yan. Kinaya ko yan ng 1.5 years. PERO kung makuha ka sa Amazing Race Asia, i don;t know kung sino kukuha ng work ko. Problema na NILA yun.
  2. Ipasa kay Zam/Adrian ang mga VF responsibilities ko
  3. Ipasa kay Philip ang Superuser status ko sa CAPS MM6.0
  4. Learn how to drive a car. Kaya yan, ask ko si Tonch.
  5. Magtrain for the job.... Mukhang walang tulugan ito. Red Bull ang katapat, naka-dextrose!

WHAT-IF di ako makuha? Not sure. Lipat sa ibang group by Q3 (sana lang kasi pagod na ako sa trabaho ko, maiba naman sana). Stay for 1 more year. I mean, IF i have plans outside Intel, i want to have 3 years of solid experience in 1 company. Looking at Job Ads, minimum 3 years working experience. Mas okay kung 3 years in 1 company. Makapunta sa Australia sa tita ko. IF i still want to stay at Intel, i'd look for a job in the US. Chances are low, that's why since last year, I'm working on my connections sa ATM world (hello world!). Epal kung epal sa projects... Ganun lang talaga.

Ayan ang long term plans ko! Eh pano naman short term?

I'm excited to go to San Diego. End of June. 5 days. I hope to extend muna, bakasyon ng +3 days sa relatives/friends ko. Meet new people, find more connections, expand my network. Buy clothes now kasi medyo formal yung conference. Baka ma-shock yung mga tao pag nag-ala preppy attire ako ala Seth Cohen. Baka pagkamalan akong intern. Hahaha!

Pero sana... sana talaga... sana to the nth power... makuha ko yung EIT IE job.

No comments: