Tuesday, March 07, 2006

Nakakayamot

2 weeks. Almost 2 weeks lang pala. Eto bored na ako. Naalala ko tuloy yung panahon na naghahanap ako ng trabaho. Nag-aabang sa tawag ng mga kumpanyang inapply-an ko. Gusto ko ng pumasok sa office.

Wala din akong masulat sa blog ko. Nakakatamad gumawa ng mga film reviews kasi lahat ng napanood ko, gusto ko. Okay lahat eh. Syriana, Transamerica, etc. Okay naman yung Oscars kahapon (pero mas maganda yung mga past Oscar ceremonies). Ang galing ng "the Crash." Natalo nya ang Brokeback Mountain. Actually, maganda naman talaga ang ang "the Crash." Iba talaga pag indie-film.

Pasok na ako sa Thursday. Actually, bukas parang pwede na, pero nahihilo pa ako eh. So Thursday na lang. Pahinga pa. Konti pa.

Arlene? Sure ka na 175 lang yung disc? Parang ang mura? Sana tama yung nabili mo... baka Golf discs yun :) Hehehehe :)

Nga pala, i quit smoking (temporarily). Malamang around summer, balik yosi. Pero medyo bawas na. Konti lang. Di na siguro ~1pack a day. Mga 1 pack every 3 days siguro. hahahaha! "I wish I knew how to quit you!"

So eto, nayayamot na ako. Sobra. Miss ko na yung mga tao sa office. Yung trabaho, di ko nami-miss. Kasi paulit-ulit din naman yang mga gagawin ko. Yung mga tao ang na-mimiss ko (hindi lahat, yung iba lang). Nanganak na kaya yung nag pa AI? Naka-trenchcoat pa rin ba si Spongebob kahit summer? May sleeveless trenchcoat kaya? Malay ko? Ang tagal kong absent. Wahahahaha!

No comments: